Nagulimanahan din kaya ang iyong isipan,
nang marinig ng iyong tinig ang kantang may linyang “gusto kong maibigay ang buhay na gusto mo”?
ngunit sa konteksto na ang pamagat nito ay tumutukoy sa ating tagpuan?
tagpuan, na naging daan sa malarong biruan, halakhak at mga usapan?
sumagip din kaya sa iyo ang mga memoryang di maipalawanag dahilan sa tanong na : “ano ba talagang naging meron”?
hikbi ng iyong mga labi, Mariing tono ng beses
Himutok ng mga sama ng loob sa buhay
tila ba’y, matatapos ang araw, ngunit hindi nais na ganito ang punto.
Mga tawa at masayang boses na tila ba paulit-ulit na piyesa
pagkonsidera na ang isa’t isa ay parang bang tahanan, ika nga.
pagturing na ang bawat memorya ay bawat piyesa, ng isa’t isa.
datapwa’t napag alalahan na marahil ang piyesa ay paulit-ulit ; may katapusan din ito.
pati na rin ang kwento nito.
